Basag

LBC, isa sa mga pinakasikat na tagapagpadala ng kung anu-ano ng mga Pilipino. Sa sobrang sikat nga naman ng LBC, tinatakan na niya ang sarili niya bilang “Hari ng Padala” at halos nasakop na niya ang buong Pilipinas bilang halos lahat ng mall na pinupuntahan ko ay may LBC. Dahil nga naman sa kasikatan at kadakilaan ng LBC, hindi pa sapat sa kaniya ang magtayo ng tanggapan sa mga mall at nagpatayo pa sila sa gusaling tinitirhan ko sa Katipunan.

Maraming taon na kami ng pamilya ko umuupa sa gusaling iyon at sa daming taon na iyon, napansin kong parang wala masyadong tumatagal sa pwestong inuupahan ng LBC. Hindi ko alam ang buong historya ng pwestong iyon pero sa aking mga alaala, inuupahan ng Philippine National Bank ang buong palapag na iyon at pagkaraan ng ilang taon, pinakawalan nila iyong maliit na parte na iyon at binuksan ito para sa ibang arendador na gustong umupa. Wala nang makaalala sa susunod na pumalit sa pwesto na iyon pero di naman importante iyong maliit na puwang na iyon, ang importante lang ay ang katotohanang papalit-palit ang mga umuupa sa pwesto na iyon.

Sa harap ng buong palapag na iyon ng gusali, may dalawang hakbang na pahadgan. Siguro para sa ibang tao, walang kahulugan ang dalawang hakbang na iyon. Napakakaraniwan lang naman talaga noong hagdan na iyon; saktong taas at distansiya lang namamagitan sa dalawang hakbang. Bilang hagdang nasa labas ng gusali, gawa ito sa semento at pinaganda naman ng disenyo ng mga maliliit na bato.

Araw-araw kong nakikita ang dalawang hakbang na ito mula elementarya  hanggang ngayon sapagka’t nag-aral ako sa Miriam nasa tapat lang at kasalukuyang nag-aaral sa Ateneo na nasa tabi lang ng Miriam. Naalala ko dati, maayos pa ang semento at porma ng hagdan na iyon. Patag pa, wala pang bako-bako at basag, hindi tulad ngayon na sa ibang parte ay nawalan na noong patong na disenyo ng maliliit na bato at inyong pinakaunang suson ng semento na ang nakikita. Sa madaling salita, para bang sugatan na ang mga hakbang na iyon sa puntong kita na ang mga laman-loob nito.

Hindi na rin naman nakakapagtaka kung bakit ganoon na ang kalagayan ng mga hakbang na iyon. Marami nang nangungupahan ang naglipat-lipat ng kung anu-ano, marami na ring bagyong dumaan sa loob ng mahigit labintatlong taon, marami na ring taong tumapak at kung ano pa sa mga hakbang na iyon. Marami na rin akong nakitang mga taong nagpakabasag doon – alak, droga, yosi, lahat na. May nakita na rin akong mga taong nag-aaway tungkol sa sarili nilang relasyon, iyong iba nauwi sa hiwalayan at iyong iba naman hindi ko na natapos pakinggan ang usapan.  Minsan pa nga, may nakita akong isang lalaking medyo dugyot at nagtatalumpati na parang walang bukas tungkol sa isang diyos na sinasamba ng maraming tao ngunit dapat daw hindi siya sambahin sapagka’t wala namang siyensiyang nagpapatunay na totoo siya.

Kahit na halatang sira o ‘sugatan’ na ang mga hakbang iyon, parang walang may pakialam, patuloy pa rin nilang tinatapakan, tinatalunan at sinusukahan. Ni minsan hindi ko nakitang pinaayos ang mga sira nito pero iniilagan naman ng mga tao iyong mga parte ng mga hakbang na halatang sira na talaga. Marahil hindi pa pinapaayos ng may-ari ng gusali ang mga hakbang na iyon dahil sa tingin niya hindi pa kailangan ng espesyal na atensyon o hindi pa ganoon kasira para ipaayos. Siguro dahil na rin sa semento at bato gawa iyon, kampante siyang hindi ito basta na lang bibigay.

Matagal na ring hindi nagbabago ang itsura ng munting hagdan na iyon. Mukha namang hindi gumagrabe ang mga basag at sira nito. Dahil kaya lahat ng pwedeng masirang parte ng hagdang iyon ay nasira na? Posible rin namang wala lang talagang nakatadhanang mangyari para makadagdag ng sira dito. O baka naman may mga panibagong mga basag nga pero napakaliit at hindi pa kapansin-pansin.

Alalahanin natin na ang munting hagdang ito ay gawa sa sementong hinalo at pinatigas para siguradong tumagal at tumayo kahit na abusuhin ng tao, hayop o panahon. Hindi pa rin sapat na matatag at matigas lang ang mga hakbang ito kaya naman pinatungan pa isa pang patong ng semento at inadorno pa ng maliliit na bato para lalong tumagal at magandang tingnan kahit simple lamang.

Last night, I made this Filipino paper to showcase my not-so-existent describing skills in my native language. The goal is to describe whatever I wanted except myself since whatever that is should be a simile or a representation of who I am. It was definitely a struggle to write it in straight Filipino but I really tried and there it is. I’m not exactly proud of it but I’m just glad I was able to write it under three hours and I like to believe it makes sense.

Advertisements
This entry was posted in Academic and tagged , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s